Bongbong-1, First Philippine Made Missile

Hindi alam ng karamihan na noong kapanahunan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ay may proyektong tinawag na “Santa Barbara”.  Ang layunin ng proyekto ay gumawa ng mga misayl upang protektahan at maipagtanggol ang bansa sa maaring maging kalaban nito. Sa tulong ng mga German scientists, nakagawa ang mga Filipino scientists at engineers ng pinakaunang misayl na gawang Pilipino.  Ito ay ang Bongbong-1, na ipinangalan ni Marcos sa kanyang anak na si Bongbong Marcos.

bongbong-1-first-philippine-made-missile

Ang Bongbong-1 misayl ay matagumpay nasubukan noong March 12, 1972 sa Caballo island na malapit sa Corrigedor sa Manila Bay.  Ito nakakaabot ng hanggang 12 kilometers ang layo.  Ang naturang misayl ay ipinarada noong 1973 Independence Day Parade sa Luneta Grandstand.  Nagpatuloy ang paggawa at pagsubok ng iba pang nagawang misayl hanggang natigil ang proyekto simula nang naupo si Cory Aquino bilang pangulo.

bongbong-1-first-philippine-made-missile-5bongbong-1-first-philippine-made-missile-2

philippines-developed-anti-typhoon-rockets-during-martial-law-1

Philippines developed anti-typhoon rockets during Martial Law

Please like & share:

Share this article