Marcos created the Commission on Human Rights (CHR) of the Philippines

Limang araw bago nangyari ang 1986 EDSA ay pinirmahan ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos ang Presidential Decree No. 2036, ang pagbuo ng Commission on Human Rights (CHR) sa Pilipinas.  Ginawa niya ito upang mapangalagaan ang karapatang pantao sa bansa.

Ayon pa kay Marcos:

“WHEREAS, the current efforts of the Government to promote human rights such as the activities of the Special Investigation Committee need to be fully coordinated with and integrated into the overall strategies and policies to implement the national goals.”

Ayon sa naturang batas, ang CHR ay sakop ng Office of the President at ang magiging chairman nito ay ang Vice-President of the Philippines.  Ibig sabihin ang naging unang CHR chairman ng bansa ay ang nanalong si Arturo Tolentino. Ang CHR vice-chairman naman ay ang prime minister at yun ay si Cesar Virata.  Kasama sa 12 members ang:

  • Minister of Justice
  • Minister of National Defense
  • Minister of Cultural Minorities
  • Minister for Foreign Affairs
  • President, Integrated Bar of the Philippines
  • President, Civil Liberties Union of the Philippines
  • President, Trade Union Congress of the Philippines
  • President, Federation of Free Farmers
  • President, Civic Assembly of Women of the Philippines
  • President, Catholic Bishops Conference of the Philippines
  • President, Ulama Association of the Philippines
  • President, Association of Christian Churches of the Philippines

 

Please like & share:

Share this article