More than 143,000 Filipinos sign petition to erase Ninoy Aquino’s name attached to the airport
Umani ng suporta ang petition na inihain ng isang netizen na taga Cagayan de Oro City. Ang layunin ng petition ay para palitan ang pangalan na NAIA at ibalik sa dating pangalan na Manila International Airport (MIA). Ang petition ay ipapadala kina Senator Imee Marcos na inaasahang maging author para ipagpapawalang-bisa ang Republic Act No. 6639 at maibalik ang dating pangalan ng pangunahing airport ng bansa sa Manila International Airport (MIA).
Ayon sa nakasulat sa petition, hindi daw makatarungan na ipangalan ang airport kay Ninoy Aquino, Jr. dahil siya ay napatunayan ng korte noong 1977 sa kasong pagpatay, iligal na pag-aari ng mga baril, at pagtangkang pabagsakin ang gobyerno ng Pilipinas. Isa rin daw insulto ang pangalang NAIA sa mga tunay bayani na ibinuwis ang buhay para sa bayan at hindi dahil sa ambisyon sa pulitika.
“Reading RA 6639, one can’t find a valid reason why the country’s main airport should be named after Ninoy Aquino, Jr., who was a former senator and convicted in 1977 by a military court of subversion and murder. Thus, Ninoy Aquino is not a hero/patriot for inspiration and emulation of this generation and generations still unborn. He was clearly a POLITICIAN and by naming the Philippine’s main airport to his name is an insult to all Filipino heroes who died for the country and not for political ambition.“
Sa ngayon, June 20, 2021, ay umabot na sa 143,000+ ang supporters sa petition na, Rename NAIA back to its original name Manila International Airport (MIA), pero di pa rin ito ibinabalita sa TV o radyo.