ALAMAT: Si Malakas at Si Maganda

Ang alamat ni Malakas at Maganda ay isang sikat na katutubong kwento ng ating bansa. Inilalarawan nito ang misteryo ng pinagmulan ng buong sangkatauhan.

Noong dekada ’70, ang dating Pangulo Ferdinand E. Marcos at Unang Ginang Imelda R. Marcos ay kinilala bilang ang makabagong “si Malakas at si Maganda”.

The Strong and the beautiful: Former Philippine President Ferdinand E. Marcos and First Lady Imelda R. Marcos.

The Strong and the beautiful: Former Philippine President Ferdinand E. Marcos and First Lady Imelda R. Marcos.

Bukod sa pagiging matalino, makisig at malakas ang dating ni Marcos, isa siyang valedictorian noong elementarya at high school at Cum Laude sa Pamantasan ng Pilipinas. Hindi lamang sa akademiks nangunguna si Marcos bagkus pati sa larangan ng isports tulad ng boxing, wrestling at swimming. Isa siyang “bar topnotcher” at dahil sa angking galing sa pamumuno, siya ang naging ika-sampung Pangulo ng ating bansa.

Hindi rin naman pahuhuli si Imelda na tila diyosa ang kagandahan. Walang panama sa kanya ang mga kandidata ng Binibining Pilipinas kung pustura rin lang ang basehan. Kinilala siya bilang “Rose of Tacloban”, Miss Leyte, Miss Philippines at pinarangalan bilang “Muse of Manila” ni Arsenio Lacson (dating alkalde ng Maynila) noong 1950.

Hindi lamang sa ating bansa kinilala ang kagandahan ni Imelda bagkus sa buong mundo. Napapalingon ang sinumang kalahi ni Adan sa galing niyang magdala ng iba’t ibang terno at toga kaya’t parati siyang imbitado sa mga pagtitipon. Siya ang itinuturing na “Iron Butterfly o Steel Butterfly” ng Pilipinas.

Itinuturing siyang “icon” pagdating sa larangan ng moda at pagandahan. Dahil dito, hindi lamang paghanga ang kanyang tinatanggap mula sa mga kabaro niya bagkus inggit dahil sa natural na kagandahan at kahit anong klaseng damit ay bumabagay sa kanyang balingkinitang katawan.

Paintings of Ferdinand and Imelda Marcos as "The Strong and The Beautiful" were privately commissioned from the late Evan Cosayo.

Paintings of Ferdinand and Imelda Marcos as “The Strong and The Beautiful” were privately commissioned from the late Evan Cosayo.

Kung si Malakas at si Maganda ang siyang alamat ng sangkatauhan, si Marcos at Imelda ang isa sa mga naging ugat ng pagbabago sa Pilipinas na hindi mabubura sa kasaysayan at sa puso ng bawat Pilipino.

(Kinuha sa “blog” ni Marikit Monteclaro)

[The legend of the Strong and the Beautiful is one very popular story in the Philippines.  It tells about the start of human race.

In the 70’s, former president Ferdinand E. Marcos and first lady Imelda Marcos became known as the new “Strong and Beautiful”.

Aside from being intelligent, handsome, and strong of the former president Ferdinand E. Marcos, he was a valedictorian in elementary and high school and a cum laude graduate at the University of the Philippines.  He did not only excel in academics but also in sports like boxing, wrestling and swimming.  He was also a bar topnotcher and because of his excellence in governance, he became the 10th President of the Philippines.

On the other hand, one can’t just ignore the former first lady Imelda Marcos who was like the goddess of beauty.  Even the beauty queens of the Philippines can’t surpass her posture or projection.  Imelda was also known as the “Rose of Tacloban”, Miss Leyte, Miss Philippines and she was proclaimed as the “Muse of Manila” by Arsenio Lacson (former Mayor of Manila) in 1950.

Imelda was considered an icon when it comes to fashion and beauty.  Because of this, she was not only admired by her colleagues but was also envied because of her natural beauty and her slender body that makes her look good in any type of dress she’s wearing.

If “The Strong and the Beautiful” is a legend of the people, former president Marcos and Imelda are one of the root causes of the change in the Philippines that can’t be erased in the history and heart of the Filipino people.]

 

Please like & share:

Help us share the truth.