Bagong Lipunan reacts to Mocha Uson’s post about Imee Marcos
Noong February 16, 2017, nag-post si Mocha Uson sa kanyang Facebook page tungkol kay Ilocos Norte Gov. Imee Marcos. Hinimay ng Bagong Lipunan review team ang isinulat ni Mocha at binigyan ng “rate” at “comments” ang bawat statement niya.
At ang overall rating na nakuha ng naturang post ni Mocha ay 3.4 out 5.
WHO IS Gov Imee Marcos?
Gusto ko lang ikwento po sa inyo ng maikli ang aking observation po sa aming pag punta sa Ilocos Norte para sa Valentine Show ng Mocha Girls. Sa mahigit na 10 taon ko na sa industriya ng entertainment naimbitahan na ang Mocha Girls kung saang saang probinsya. Masasabi kong nalibot na namin ang buong sulok ng Pilipinas. Na meet ko na ang iba’t ibang klase ng pulitiko sa Pilipinas. Mula sa konsehal hanggang sa former President. Isa sa dahilan kung bakit ko at aking grupo sinuporta si Pangulong Duterte dahil nakita namin ng personal ang Davao ng ilang beses at nakasalamuha namin ang mga Davaoeños. Ngunit madami din kaming nakilalang mga pulitikong masasabi kong PLASTIK at SHOWBIZ. Meaning mabait lang sa harap ng mga tao ngunit demonyo talaga ang ugali.
So sino si GOV. IMEE MARCOS?
Una sa lahat klaruhin ko lang po hindi po ako PRO-MARCOS. As a matter of fact I criticized BBM several times during the campaign. I am SOLID DUCAY.
Ang rate namin sa statement mo ay 2 out of 5.
Ms. Mocha, ito ang malinaw na di mo alam: si Duterte ay pro-Marcos at si Cayetano ay anti-Marcos. Sino ang mas paniniwalaan mo tungkol sa Marcos, si Duterte o si Cayetano? Remember, sumikat ka dahil kay Duterte at hindi kay Cayetano. Kung wala si Duterte, walang Mocha Uson.
Talo na si Cayetano pagka VP, bakit ayaw mo tulungan si Bongbong Marcos (BBM) sa electoral protest niya para malaman ang katotohanan? Saan ka pupulutin kung magtagumpay ang DILAW na gawing presidente si Leni Robrero? Kung gusto mong tumigil na ang pang-atake ng DILAW kay pangulong Duterte ay tumulong ka na makaupo na ang tunay na nanalong bise-presidente at yun ay si Bongbong Marcos.
Pero dapat ko din aminin sa inyo na ako at aking grupo ay nagulat sa aming karanasan kay GOV.IMEE. Nakasabay namin siya sa eroplano and guess what economy lang siya at wala kasamang kahit sinong assistant or bodyguard kahit siya ay isang governor at Marcos pa. Unlike sa mga kilalala at nakasalimuha naming mga Mayor, VM or Congressman na battalion ang bitbit lagi na akala mo ay lulusob sa gyera. So ang nasa isip ko ay baka ito ay pakitang tao lamang. Ngunit ng makarating na kami sa Ilocos Airport inaantay niya kami makalabas at personal niya kaming sinalubong.
And she is really very cool. Sabi ko nga noong pabalik na kami sa Manila ay she is the coolest and the friendliest politician na nakasalamuha ng aking grupo.
Ang rate namin sa statement mo ay 4 out of 5 stars.
Ms. Mocha, si Imee Marcos ay hindi politician kundi stateswoman. Magkaiba ang dalawa. Google mo na lang dahil hindi ka naman naka FREE data.
Malakas ang radar ko sa mga “showbiz” type na politcian dahil nga mahigit sampong taon na ako sa larangan na ito.
At isa ko pang napansin ay people of Ilocos love her.
Ang rate namin sa statement mo ay 3 out of 5.
Ms. Mocha, hindi lang si Imee ang love ng mga taga Ilocos kundi pati na ang tatay niya at buong pamilya niya kasama na si Bongbong Marcos (BBM). Di mo ata pinansin ang mga proyekto ni BBM noong siya pa ay gobernador ng Ilocos Norte o ayaw mo lang pag-usapan dahil anti-BBM ang sinuportahan mo na si Cayetano.
HINDI TAKOT na tulad na pinipinta ng ilang media sa mga MARCOS. Honestly naalala ko nga si Tatay Digong at ang mga Davaoeños.
At ang matindi nito alam niya na ako at si TP ay anti-Marcos at hindi namin sinuportahan ang kanyang kapatid (BBM) noong nakaraang eleksyon and yet she is still very accommodating pa rin sa amin.
Ang rate namin sa statement mo ay 5 out of 5.
Good observation, Ms. Mocha. Gusto ng mga Marcoses na magkaisa tayong mga Pilipino pagkatapos ng eleksyon para sa ikabubuti ng ating bayan.
Kailanman hindi naninira at nagtatanim ng galit ang mga Marcoses. Remember na bumisita sila sa wake ni Cory noong 2009.
At payo namin sa inyo ni TP na mag-aral ng Historiography upang malaman ninyo ang totoong history. I-follow ninyo rin si Flippinflips para may matutunan naman kayo tungkol sa political science at history.
Before we left sa Ilocos going back to Manila we had a long talk, interview and fellowship over dinner. Lahat ng tanong ay naitanong ko na nga ata sa kanya. And kita ko sa kanyang ang sincerity and passion for the Filipinos. And pumasok sa isip ko ay BAKIT KAYA MARAMING GALIT NA TAO SA PAMILYA NILA? At bakit madami ang galit sa kanya e sobrang bait niya at humble? Marahil may nagawa siya o kanyang pamilya masama sa mga Pilipino. Ngunit yan ay depende kung sino ang nagkwekwento.
Aminado nga siya na may mga nasaktan ang kanilang pamilya. Nadinig ko na rin siyang ilang ulit na humingi ng tawad sa mga nagawan nilang kasalanan. Sana nga daw sila ay mapatawad na at tulungan na lang ating kasalukuyang gobyerno para umangat na ang Pilipinas.
Ang rate namin sa statement mo ay 2 out of 5.
Ms. Mocha, sana nilinaw mo kung ano itong kasalanan ng pamilyang Marcos. Sana tinanong mo si Imee o di kaya nagresearch ka muna.
Panoorin mo itong interview ni Imee para naman maliwanagan ka at mga followers mo.
READ MORE: Imee Marcos apologizes for ‘unexpected incidents’ during Martial Law
Ngunit ang dami pa din galit sa kanyang pamilya sa gitna ng kanyang paghingi ng tawad.
So ako ba ay nagbago ng isip patungkol sa mga MARCOS? Ito lang ang aking masasabi, ang kasaysayan ay may iba’t ibang mukha. Depende yan kung sino ang nagsasabi o nagkwekwento.
Wag nating kalimutan mula ng mapatalsik ang kanilang pamilya sa pwesto ang lahat ng sumulat ng balita, libro o kasaysayan ay may impluwensya ng mga AQUINO.
Ang rate namin sa statement mo ay 5 out of 5.
Sabi nga ni Winston Churchill, “History is written by the victors.”
Bukas ang aking isipan sa lahat ng bagay.
Ako ay naninindigan na noong nakaraang eleksyon ay si SEN ALAN CAYETANO ang best candidate for VP at kung siya man ay tumakbong Pangulo sa susunod na eleksyon si Sen Alan Cayetano pa rin ang aking sosoportahan
Ang rate namin sa statement mo ay 1 out of 5.
Ms. Mocha, di mo ba natanong bakit mas suportado ni pangulong Duterte na maging Senate President si Koko Pimentel kaysa kay Alan Cayetano?
Nakakasigurado kami na lulubog ang political career mo pag nagkataon na sina Bongbong Marcos at Alan Cayetano ang maglalaban sa pagka-presidente ngayong 2022. Remember, karamihan ng followers mo ay Duterte-Marcos at hindi Duterte-Cayetano.
ngunit hindi ko mapagkakaila na
si GOV. IMEE MARCOS ay napaka buting tao sa aking palagay.
Ang rate namin sa statement mo ay 5 out of 5.
Ms. Mocha, expected na iyon kay Imee dahil nagkaroon siya ng napakamakabuting magulang na sina Ferdinand at Imelda.
I can’t speak for the former President Marcos dahil
hindi ko naman nakita ng personal ang kanyang leadership at kung babasehan ko ang mga kwento at balita hindi rin pwede dahil iba iba ang aking naririnig patungkol sa kanya, may masama may mabuti
Ang rate namin sa statement mo ay 2 out of 5.
Ms. Mocha, study and apply Historiography upang malaman mo ang katotohanan.
ngunit isa lang ang aking masasabi-
Apo Marcos raised a very nice and down to earth daughter by the name of IMEE MARCOS.
Ang rate namin sa statement mo ay 5 out of 5.
Ms. Mocha, mabuti naman at binigyan mo ng credit si Apo Marcos. Diba anak din ni Apo Marcos si Bongbong Marcos?