BBM seeks DOJ after prosecutor dismissed Cyber Crime case
Ito na ang UPDATE mula kay Atty. Glenn Chong tungkol sa Cybercrime case laban sa SMARTMATIC at COMELEC.
“Describing as “horrible” the dismissal of a cybercrime case filed against SMARTMATIC and COMELEC, the camp of former senator Ferdinand Marcos Jr. on Thursday said they will seek reversal of the decision before the Department of Justice.
Marcos would like to reiterate that he will not stop until the whole truth in the conduct of the last elections is revealed and all vote cast are properly counted.
Ang cybercrime case na ito ay nag-ugat sa pagkalikot ng script o program ng automated election system sa kasagsagan ng bilangan ng mga boto. Palusot ng COMELEC, ito ay “cosmetic” lamang dahil hindi nabago ang mga boto. Pero wala silang ipinakita ni isang ebidensiya na hindi nga nabago ang mga boto gayong lahat ng mga datus at mga ebidensiya ay hawak nila.
Kinasuhan ang ilang tauhan ng sindikato sa paglabag ng Section 4(a) (1), (3), at (4) ng Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 dahil sa tampering na ito. Ayon sa batas, ang mga sumusunod ay cybercrime offenses:
(a) Mga paglabag sa confidentiality, integrity at availability ng computer data at systems:
(1) Illegal Access – Ang pag-access ng anumang bahagi o ng buong computer system na walang pahintulot.
(3) Data Interference – Ang intentional o reckless na pagbago ng computer data na walang pahintulot.
(4) System Interference – Ang intentional na pagbago o reckless na pakikialam sa gumaganang computer network sa pamamagitan ng pag-input, pag-transmit, at pagbago ng computer data o program na walang pahintulot .
Ayon sa prosecutor na nagbasura ng nasabing reklamo, si Marlon Garcia (ang kumalikot), bilang SMARTMATIC Project Manager ay binigyan ng pahintulot ayon sa kontrata ng SMARTMATIC at COMELEC. Ang authority diumano ni Garcia upang kalikutin ang script o program ay nasa Protocol of Escalation ng SMARTMATIC. Kapag low at medium ang severity levels ng problema, si Garcia diumano ay may kapangyarihang gawin ang nararapat na hin
di kailangan ng pahintulot ng sinuman, kahit pa ng COMELEC.
Mali ang prosecutor!
Ang cybercrime offenses ay maaring mangyari lamang kung ang pag-access, pagbago o pakikialam sa computer program, data o system ay ginawa na walang pahintulot. Malinaw naman na inamin ng mga nireklamo mismo na nagkaroon nga ng pag-access, pagbago o pakikialam sa computer script o program. Malinaw ang paglabag sa batas. Kaya upang makalusot ang SMARTMATIC binigyang diin ng prosecutor ang Protocol of Escalation nito upang magkaroon ng PAHINTULOT si Marlon Garcia sa kanyang ginawang pagkalikot at makalusot sa kaso.
Sa isang napaka-importanteng national issue tulad ng ating halalan, bakit ang pribadong protocol ng banyagang supplier ang kumukontrol ngayon sa pagpapatakbo ng halalan? Naging inutil na tuloy ang COMELEC dahil ayon sa protocol ng SMARTMATIC, hindi kailangan ng pahintulot ng COMELEC kung kakalikutin nila ang script o program. Kung dadayain nila ang halalan, madali nilang gawin ito dahil ayon sa nasabing protocol, hindi na kailangan ang pahintulot ng COMELEC kung may magic silang gagawin.
Hindi maaring maging controlling ang isang pribadong protocol ng SMARTMATIC upang tanggalin ang karapatan ng COMELEC na magbigay ng pahintulot sa anumang gagawing pagkumpuni ng election system dahil ayon sa saligang batas sila lamang ang sole manager ng ating halalan. Maliban na lamang kung ang intensyon ay ma-abswelto si Marlon Garcia at ang SMARTMATIC sa krimeng malinaw na ginawa nila.
Ayon pa sa prosecutor, hindi kriminal ang ginawa ni Garcia dahil ang intention niya ay iwasto lamang ang abnormality sa spelling ng ilang mga kandidato. Hindi rin daw ito reckless dahil pinag-aralan niya at ikinunsulta ang error sa iba bago ginawa ang pagkalikot.
Mali pa rin ang prosecutor!
Ang cybercrime offense ay committed na kapag ginawa ng isang tao ang mga nakasaad sa batas na paglabag nito. Hindi material dito ang intention ng gumawa. Hindi pinag-uusapan ang intention dito kundi ang ginawa na walang pahintulot.
Sa isyu ng recklessness, matatandaan sa Section 4 (a) na ang cybercrime offenses ay paglabag sa integridad ng computer data at systems. Ang pagkalikot sa script o program sa kasagsagan ng pagbilang ng mga boto ay isang napakareckless na aksyon dahil ang integridad ng buong halalan, hindi lamang ng data o systems, ay nabahiran ng napakalaking pagdududa. Kaya nga sobrang dami ang hindi naniwala sa pagkapanalo ni Robredo at ilang mga senador dahil mismo sa pagkalikot ng script o program. Ito ang malaking pruweba ng recklessness ni Marlon Garcia at ng SMARTMATIC.
At the minimum, dapat kasuhan si Marlon Garcia dahil sa kanyang intentional na pagbago o reckless na pakikialam sa gumaganang computer network sa pamamagitan ng pag-input, pag-transmit, at pagbago ng computer data o program na walang pahintulot.
Kaya hindi mawala sa isip ko – magkano kaya ang ibinayad upang ibasura ang kasong ito.
Be that as it may, hindi pa rin tayo susuko! Ituloy pa rin natin ang laban. May iba pa namang paraan.”