Bongbong Marcos asks Supreme Court to junk Robredo’s counter-protest

Ito ang update sa Electoral Protest ni dating Senador Bongbong Marcos (BBM) ayon kay Atty. Glenn Chong sa kanyang Facebook post:

Nagfile si BBM kahapon ng Motion to Dismiss upang hilingin sa Tribunal na ibasura ang counter-protest ni Robredo sa dahilang hindi nito binayaran ang P8 million cash deposit na iniutos ng Tribunal.

Malinaw sa Rules ng Tribunal na maaring ibasura ang counter-protest ni Robredo dahil dito. May mga dating kaso o protesta rin sa ibang mga election tribunals na ibinasura dahil sa hindi pagbayad ng cash deposit at kinatigan ito ng Korte Suprema.

Ang counter-protest ay isa ring protesta na isinampa ng naproklamang kandidato laban sa nagprotesta sa kanya. Ibig sabihin, si Robredo ay nagprotesta rin laban kay BBM. Ang basehan ng protesta ay dayaan sa halalan. Matatandaan na mariing sinabi nila Robredo at ng kanyang mga abogado sa ilang pagkakataon na walang dayaang nangyari. Kung wala ngang dayaan, bakit siya nagprotesta laban kay BBM? Sinungaling talaga!

Mahalaga ang counter-protest para kay Robredo dahil magagamit niya ito na epektibong taktika upang maantala ang protesta. Pero kung ibabasura ito ng Tribunal ngayon, malaking kawalan ito para sa kanya. Pero huli na ang lahat dahil tapos na ang deadline ng pagbayad ng cash deposit. Hindi sila nagbayad dahil sa maling akala.

Akala nila ay hindi magbabayad si BBM o kanyang mga kaibigan at supporters dahil kukwestiyunin niya ang basehan ng cash deposit. Pero pinili ni BBM na sumunod na lamang sa utos ng Tribunal at nakapagbayad din sa mga huling oras ng deadline. Huli na ang lahat, hindi na makapaghabol pa si Robredo. Kaya nagwala ng husto si Macalintal sa TV, dyaryo at radyo.

bongbong-marcos-asks-supreme-court-junk-robredo-counter-protest

Ngayong namulat na sila sa malaking pagkakamali, nagkadarapa na si Robredo at Macalintal na mag-alok na bayaran nila ang cash deposit sakaling iutos itong muli ng Tribunal. Nag-imbento si Mac ng dahilan upang pagbigyan sila. Aniya, dapat lamang silang magbayad ng cash deposit kapag magsimula na ang counter-protest ni Robredo matapos ang protesta ni BBM ayon sa Rule 65 ng Tribunal.

Sa pagresolba sa isyu ng cash deposit, hindi Rule 65 ang gagamitin dahil ito ay tungkol sa pagpili ng 3 pilot provinces. Hindi pinag-uusapan sa Rule 65 ang cash deposit. Ang Rule 34 lamang ang tamang basehan na nagsasaad na maaring ibasura ang protest/counter-protest kung hindi bayaran ang cash deposit.

At walang rason na umangal si Robredo sa cash deposit na hiningi sa kanya dahil DEPOSIT lamang ito. Ibig sabihin, kung hindi niya itutuloy ang kanyang counter-protest, ibabalik sa kanya ang buong perang diniposito niya sa Tribunal. Katunayan nga, kahit ipagpapatuloy niya ang kanyang counter-protest, kapag natapos na ang lahat, bibigyan siya ng computation ng lahat ng ginastos ng Tribunal at kung may natira, isasauli pa ito sa kanya. Kaya wala talagang rason si Robredo na magmatigas at umangal pa.

Kahit pa may nakabinbing motion si Robredo tungkol sa cash deposit, hindi ito dahilan upang ibalewala ang kautusan ng Tribunal. Dapat pa rin siyang sumunod dahil hindi naman talaga mawawala ang kanyang cash deposit.

Kaya humantong ang kampo ni Robredo sa ganitong malaking problema dahil sa kanilang MALING AKALA.

Kung pumabor man ng husto ang tadhana kay BBM, ito ay tanda na may mabuting kahihinatnan ang protestang ito. At tiyak hindi aabot ng 6 na taon. Ito ay guni-guni lamang ni Mac o di kaya, isa pang maling akala.

bongbong-marcos-asks-supreme-court-junk-robredo-counter-protest-p1

Page 1 of 7

Page 2 of 7

Page 2 of 7

Page 3 of 7

Page 3 of 7

Page 4 of 7

Page 4 of 7

Page 5 of 7

Page 5 of 7

Page 6 of 7

Page 6 of 7

Page 7 of 7

Page 7 of 7

READ ALSO:

lawyer-blasts-leni-robredo-lies

Please like & share:

Help us share the truth.