Bongbong Marcos’ message to critics, hours after his father’s death
Noong September 28, 1989 ay pumanaw, sa edad na 72, si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa St. Francis Medical Center sa Honolulu, Hawaii, USA. Ang unang nagbalita na pumanaw na si Marcos ay si dating Senador Bongbong Marcos (BBM), na 31 years old pa noon. Sa kanyang pagbalita, hindi pinalagpas ni BBM na magbigay ng mensahe sa mga kritiko ng kanyang ama. Ani niya, dapat higit na titingnan ng mga kritiko ang pinanindigan ng kanyang ama — ang kanyang pananaw, ang kanyang pakikiramay, at ang kanyang lubos na pagmamahal sa bansa.
Ito ang sinabi ni BBM pagkatapos nilang mag-rosary ng kanyang ina at kapatid na si Irene Marcos-Araneta:
”God has taken this great man from our midst to a better place. Hopefully, friends and detractors alike will look beyond the man to see what he stood for – his vision, his compassion and his total love of country.”
READ More: Ferdinand Marcos, Ousted Leader Of Philippines, Dies at 72 in Exile