Bongbong Marcos submits list of 8,268 witnesses of electoral fraud
Ito ang latest update sa electoral protest ni dating Senator Bongbong Marcos (BBM) na inihain niya noon pang June 29, 2016. Ayun kay Atty. Glenn Chong, nagkapagsumite na ng listahan si BBM ng 8,268 na testigo para magpapatunay sa malawakang dayaan noong 2016 halalan.
Basahin ang buong update mula kay Atty. Chong:
Alinsunod sa kautusan ng Presidential Electoral Tribunal, isinumite kahapon ni BBM ang listahan (112 pahina) ng kanyang mga testigo. Umabot sa mahigit-kumulang 8,268 testigo ang magpapatunay na hindi totoong mga botante ang karamihan sa bumoto sa 2,756 presinto sa mga lalawigan ng Basilan, Maguindanao at Lanao del Sur kung saan humatak ng husto si Robredo.
Hindi muna inihayag noon ni BBM ang mga testigong ito dahil sa pangambang kapag nalaman ang mga pangalan ng mga testigong ito, baka sila ay i-harass, takutin o pagbantaan ng kalaban. Pero walang choice si BBM dahil pinilit ng PET na ilahad na ang mga testigong ito ngayon na. At least, ni-reserba ni BBM ang kanyang karapatan na palitan ang sinuman sa mga testigong ito ang hindi na makakapagtestigo sa tamang panahon.
Binigyan lamang si BBM ng 5 araw upang maisumite ang listahang ito. Akala siguro ni Robredo at ng kanyang mga kaalyado sa loob ng PET na hindi kaya ni BBM masunod ang kautusan nila. Pinahirapan talaga nila, pero kinaya.
Meron pang isang paraan upang mapatunayan ang isyu na hindi totoong mga botante ang bumoto sa araw ng halalan. Mas mabilis ito kaysa pakinggan ang salaysay ng 8,268 testigo. Kung ano man ang paraang ito, kay BBM ko lang sasabihin para bulag ang kampo ni Robredo at ng sindikato hanggang sa huling sandali.
Kung mapatunayan na hindi makatotohanan ang halalang nangyari sa 3 probinsiyang ito, sapat na ito upang matanggal sa pwesto si Robredo dahil mananalo na ng mahigit-kumulang 45,000 boto si BBM.