Bongbong Marcos will file motion to stop COMELEC from returning VCMs to SMARTMATIC
Ito na ang UPDATE mula kay Atty. Glenn Chong tungkol sa Electoral Protest ni BBM.
“Bilang clean elections advocates, dumalo kami ng kasama kong IT expert mula sa University of California, Los Angeles (UCLA) sa briefing ng COMELEC sa pagsauli ng 1,356 contingent o reserbang VCMs sa SMARTMATIC na diumano ay hindi nagamit noong nakaraang halalan. Ginanap ito sa warehouse ng COMELEC sa Sta. Rosa, Laguna, kahapon (October 19, 2016).
Sa tingin namin, ang procedure ng COMELEC ay hindi sapat upang matiyak na ang mga makinang isasauli sa SMARTMATIC ay hindi nga nagamit sa halalan. Mahalagang matiyak natin kung ang mga ito ay nagamit o hindi dahil may Precautionary Protection Order na ipinalabas ang PET sa protesta ni BBM. Kung ang mga ito ay nagamit, saklaw ito ng PPO at hindi muna pwedeng isauli sa SMARTMATIC habang nakabinbin pa ang protesta.
Ayon sa COMELEC, magkakaroon daw ng inspeksyon ang bawat reserbang VCM sa October 26. Ang bawat SD card (blanko raw ito ayon sa SMARTMATIC) na naka-insert sa bawat reserbang VCM ay bubuksan gamit ang laptop at titingnan kung may laman ito o wala. Kung may laman, ibig sabihin ay nagamit ang reserbang VCM. Kung walang laman, ibig sabihin ay hindi nagamit ang reserbang VCM.
Mali at mapanlinlang ang procedure na ito dahil kung ang reserbang VCM ay ginamit dahil nasira ang primary VCM sa presinto, ang patakaran ng COMELEC ay tatanggalin ang main at backup SD cards sa nasirang primary VCM na may laman na at ililipat ito sa reserbang VCM. Ang blankong SD card na naka-insert sa reserbang VCM ay tatanggalin dahil hindi ito ang gagamitin. Kaya ang blankong SD card ng reserbang VCM ay blanko talaga.
Sa procedure ng COMELEC sa darating na October 26, itong mga blankong SD cards ng mga reserbang VCMs ang susuriin gamit ang laptop. Isang malaking kalokohan ito. Anong makikita natin gayong blanko naman talaga ang mga SD cards na ito dahil hindi ito ang totoong ginamit sa araw ng halalan. Ang SD cards na may laman ay ibinigay sa Board of Canvassers. Kaya kahit na blanko ang mga SD cards na ito, hindi ibig sabihin na hindi nagamit ang mga reserbang VCMs.
Tinanong ko sa Eli Moreno, ang pangulo ng SMARTMATIC, sa harap ng media, kung bakit may blankong SD card bawat reserbang VCM gayong wala naman talaga itong silbi dahil hindi ito ang gagamitin kundi yung main at backup SD cards sa primary VCM na nasira. Ang sagot niya, order daw ito ng COMELEC. Now, I smell something very fishy here. Mukhang palusot lang talaga ang mga blankong SD cards na ito. Pwede rin gamitin ito ng mga mandaraya upang palitan ang totoong mga SD cards at resulta.
Ang mungkahi namin ng kasama ko ay dapat buksan at ipasuri ng SMARTMATIC ang kanilang content management system na siyang kumukontrol sa lahat ng bahagi ng buong automated election system upang malaman natin kung ilang SD cards ang totoong nilagyan ng laman (configured), ilan sa mga ito ang totoong nagamit (actually activated), anong mga primary at contingent VCMs ang gumamit nito, at marami pang ibang datos na makuha natin mula sa analytics ng content management system.
Nang tinanong namin si Eli Moreno tungkol sa content management system, nagmaang-maangan lamang siya sa kanyang sagot. Halatang may itinatago.
Ayon sa COMELEC, pursigido silang isauli ang mga makina sa SMARTMATIC maliban na lamang kung may utos ang PET na pigilan ito. Kaya magfile ang kampo ni BBM ng kaukulang motion sa PET upang harangin ito.“