Frequently-Asked-Questions about Martial Law (Presidential Proclamation No.1081)

Tanong: Ano ang Martial Law?
Sagot: Ito ay ang karapatan ng estado na mapasailalim sa kapangyarihang militar ang bansa batay sa itinakda ng konstitusyon.

 

Tanong: Kailan ito nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos?
Sagot: September 21, 1972.  September 23, 1972 ng pormal na ihayag sa publiko.

 

Tanong: Kailan ito dapat ideklara?
Sagot: Kung may malawak na kaguluhan tulad ng karahasan, paglabag sa batas, pagsalakay at rebelyon.

frequently-asked-questions-about-proclamation-1081-martial-law

Tanong: Sa Presidential Proclamation No. 1081, pinatigil ba ang gobyernong sibil upang palitan ng pamahalaang militar?
Sagot: Hindi pinalitan ng pamahalaang militar, nagpatuloy parin ang gobyernong sibil.

 

Tanong: Sinangguni ba ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ang bayan kung nais ipagpatuloy ang Batas-Militar?
Sagot: Oo. Noong 1976, inihayag ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Presidential Decrees 991 at Presidential Decrees 1033 upang magpatawag ng “constitutional referendum” na itinakada noong October 16, 1976. Ang mga botante ay tinanong kung gusto na nila ipatigil ang ang kasalukuyang Martial Law.  Ang resulta ay mas marami ang gustong ipagpatuloy ang Martial Law. 

 

Tanong: Kailan ipinatigil ni dating Pangulong Marcos ang Martial Law?
Sagot: January 17, 1981.

Please like & share:

Help us share the truth.