Frequently-Asked-Questions about the death of Ferdinand E. Marcos

Tanong:
Kailan at saan namatay si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos?

Sagot:
Namatay si Marcos noong September 28, 1989 sa St. Francis Medical Center sa Honolulu, Hawaii, USA.

—————————–

Tanong:
Ano ang sanhi ng pagkamatay ni Marcos?

Sagot:
Namatay si Marcos sa atake sa puso matapos itong makipaglaban sa kumplikadong sakit niya sa puso, baga, at bato.

Tanong:
Anong edad si Marcos namatay?

Sagot:
Namatay si Marcos sa edad na 72.

—————————–

Tanong:
Sino ang nag-embalsama kay Marcos?

Sagot:
Si Frank Malabed ang nag-embalsama kay Marcos. 

—————————–

 

Tanong:
Kailan nauwi ang bangkay ni Marcos sa Pilipinas?

Sagot:
Lumapag noong September 7, 1993 ang eroplanong Continental Airlines sa Laoag Airport dala ang bangkay ni Marcos.

—————————–

Tanong:
Ilang taon bago na ilibing ang bangkay ni Marcos?

Sagot:
Umabot ng 27 years bago nailibing ang bangkay ni Marcos.

—————————–

Tanong:
Saan nakalagay ang bangkay ni Marcos bago ito mailibing?

Sagot:
Sa isang pribadong mausoleum sa Valley of the Temples Memorial Park sa Hawaii at Marcos Museum and Mausoleum sa Batac City, Ilocos Norte.

—————————–

Tanong:
Kailan at saan nakalibing si Marcos?

Sagot:
Nailibing si Marcos sa Libingan Ng Mga Bayani sa Taguig City noong November 18, 2016.

Please like & share:

Help us share the truth.