Gov. Imee Marcos meets Labor Minister of the Kingdom of Saudi Arabia
Sumama si Ilocos Norte Governor Imee Marcos kay Pangulong Rodrigo Duterte sa 2-Day State Visit sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) kahapon, April 11, 2017. Ang layunin ni Gov. Imee alamin ang kalagayan ng mga Ilokano na nagtratrabaho sa Saudi Arabia.
“I really requested to join dahil sa overseas migrant labor na nasa Middle East. Napakaraming Ilokano, napakaraming kababaihan so importante sa akin na malaman sitwasyon nila,” ito ang sabi ni Gov. Imee.
Isa sa mga nakausap ni Gov. Imee ay ang Labor Minister ng KSA. Ipinakita din ni Gov. Imee ang sa Minister at kay Pangulong Duterte ang mga larawan noong binisita ng pamilyang Marcos ang Saudi Arabia noong dekada 80.
Please like & share: