Lawyer warns destabilization plan of Leni’s camp
Ayon kay Atty. Glenn Chong, may masamang balak ang partido ni Leni Robrebo kaya muling nanawagan ito sa mga dating kaalyado na makipag-alysa muli sa Liberal Party. Ito ay inihayag ngayong araw ni Chong sa kanyang Facebook page.
MASAMA ANG BALAK NG PARTIDO NG BABAENG ITO
Inihayag ni presumptive VP Robredo ang balak ng Liberal Party na buhayin at ibangon muli ang kanilang naghihingalong partido. Mukhang hihikayatin nila ang kanilang dating mga kaalyado na makipag-alyansa muli sa Liberal Party upang dumami uli ang mga kasapi nito. Ito ang napagkasunduan ng mga lumahok sa dalawang araw na strategic planning ng Liberal Party dalawang linggo na ang lumipas. Lumahok din si Mr. Benigno Aquino, ang walang kwentang pangulo, sa nasabing strategic planning.
Matatandaan na sa kasagsagan ng “Leni Leaks,” kung saan nabulgar ang destabilization emails ng mga supporters at sympathizers ng Liberal Party laban sa administrasyon ni Pangulong Duterte, mariing itinanggi ni Robredo ang mga paratang na ito. Hindi raw pinag-uusapan ng kanilang partido ang destabilization dahil nga naghihingalo na ito – kulang na sila ng mga miyembro.
Kung susundin o sakyan natin ang lohika ng palusot ni Robredo, ngayong inamin na nilang papalawakin nilang muli ang kanilang hanay, pwede na nilang pag-usapan at planuhin ang destabilization.