Manila-Cavite Coastal Road Project (Tatak Marcos)
Alam nyo ba na noong February 4, 1977, kapanahunan ng Martial Law, ay pinirmahan ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos ang Presidential Decree No. 1085 para maitaguyod ang kaniyang Manila-Cavite Coastal Road Project. Ang plano ng proyekto ay maglagay ng 3,000 hectares na lupa sa tabing dagat ng Manila Bay na magsimula sa bahagi ng Cultural Center of the Philippines papuntang Pasay City, Parañaque, Las Piñas, Zapote, Bacoor at hanggang Cavite City. Ang sinasabing lupa may magiging pag-aari ng gobyerno sa pangangasiwa ng Public Estate Authority (Philippine Reclamation Authority). Hangarin ng proyektong na makapagtayo ng modernong siyudad na kung saan may governmental, commercial, residential at recreational complex.
Bago nangyari ang 1986 EDSA revolution, may 660 hectares na lupa na ang nailagay, kasama ang 77 hectares ng Cultural Center of the Philippines complex.
Ang ang pangalan ng proyekto ay ginawang Boulevard 2000 noong 1995 sa panahon ni dating pangulong Fidel V. Ramos.
Sa ngayon, bahagi ng naturang lupa ang nakatayong sikat na Mall of Asia (MOA) na binuksan noong 2006 at pagmamay-ari ni Henry Sy.