OPEN LETTER: Ilocos Norte resident’s message to anti-Marcos Filipinos
Kayong mga nasa Yellowlandia subukan niyo kayang tanggalin ang mga salamin niyo ng hindi puro dilaw ang nakikita niyo, subukan niyo kayang umapak sa pulang lupa ng maranasan niyo ang lumakad ng walang kinikilingan. Para sa inyong kaalaman masaya at kuntento kami sa peace and order at good governance ng mga Marcoses. Ang tanong masaya ba kayo sa pinamumunuang lugar ng mga halal niyong leader?
Kung sino pa yung mga hindi taga Ilocos Norte sila pa talaga tong nagmamarunong, kami na nakatira dito ang mas nakakaalam at saksi sa magandang pamamalakad ng mga Marcoses sa probinsya. Kayong mga anti-Marcos diyan wala kaming ibang aasahang marinig mula sa inyong mga bibig kundi ang masama ang mga Marcos. Sanay na kami sa inyo. Bintang lang ng bintang. Ang ending di maipakulong ang mga Marcos kasi nga gusto lang magbintang, manira, trial by publicity. Ang ending walang napatunayan. Kaya sa mga anti-Marcos sanay na kami sa galaw ninyo, sanay na kami sa pambobola niyo. Mabuhay ang mga Marcoses!
Question:
Paano ulit naging First Class Province ang Ilocos Norte?
Paano ulit naging First Fully ISO compliant province ang Ilocos Norte sa buong Pilipinas?
Paano ulit naging Center of Renewable Energy ang Ilocos Norte sa buong South East Asia?
Paano ulit nagkaroon ng Biggest Wind Farm ang probinsya sa buong South East asia?
Paano ulit nagkaroon ng Biggest Solar Farm ang probinsya sa buong Pilipinas?
Paano ulit hinirang na 2-time Most Outstanding Governor si Imee Marcos sa buong bansa?
Siguro dahil magnanakaw sila kaya naging ganoon.
The legacy of the Marcoses on infrastructures and many other aspects of our economy and society is undeniable. They speak for themselves. Those against them have to employ a massive attack via a weaponry of accusations in all channels you can think of just to discredit them.
Kumusta ang probinsya ng Tarlac?
Kumusta ang lugar ni Edcel Lagman?
Kumusta ang lugar ni Leni Robredo?
Ano na ang nagawa ni Franklin Drillon?
Ano na ang nagawa ni Risa Hontiveros?
Paki-comment na lang sa baba ang iyong sagot kahit alam namin na wala kayong maisasagot.