PET asks Marcos and Robredo for Cash Deposits to bring Ballot Boxes to the Tribunal
Ito ang magandang balita na galing sa Facebook post ni Atty. Glenn Chong:
Natanggap na kahapon, April 10, 2017, ng mga abogado ni dating Senador Bongbong Marcos (BBM) ang Notice mula sa Presidential Electoral Tribunal (PET) kung saan inatasan siya na magbayad na ng cash deposit ayon sa Rules ng PET. Ang cash deposit ang siyang magsisilbing pondo upang ibayad sa pagkuha ng mga ballot boxes at election documents/paraphernalia sa kani-kanilang mga kinalalagyan ngayon at pambayad din sa mga revisors o magbibilang ng mga balota. Kung mabayaran na ang cash deposit, kukunin na ang mga ballot boxes at sisimulan na ang manual recount ng mga balota.
Parehong inatasan si BBM at Robredo na magbayad na ng kani-kanilang cash deposit sa dalawang installments o gives. Si BBM ay kailangang magdeposit ng 66.223 milyong piso. Si Robredo naman ay 15.639 milyong piso. Mas malaki ang deposit ni BBM dahil mas marami ang presintong kanyang prinotesta.
May dalawang isyu ang Notice na ito.
Una, noong March 21 pa pala nagpalabas ng Resolution ang PET tungkol sa cash deposit pero ang Notice ay natanggap ng mga abogado ni BBM kahapon lamang, April 10. At ang deadline ng pagbayad ay ngayong Biyernes Santo, April 14.
Hindi madaling likumin ang 36.023 milyong piso (unang installment) sa panahon ngayon dahil Semana Santa at magsasara ang mga bangko. Kung March 21 pa ang Resolution ng PET, bakit pinalipas muna ang 20 araw at ngayon lang ibinigay ang Notice na 4 na araw na lamang ang natitira sa deadline ng pagbayad?
Pangalawa, ang computation ng cash deposit ay ibinase sa mas malaking halaga. Sa automated elections, ang mga dating maliliit na mga presinto o established precincts ay pinagkumpol-kumpol at ginawang clustered precincts dahil hindi kakasya ang mga voting machines kung ang established precincts ang gagamitin. Kaya ang dating 369,138 established precincts ay naging 92,509 clustered precincts na lamang ngayon.
Ang ginawa ng PET ay ibinase ang cash deposit na 500.00 bawat presinto sa established precinct at hindi sa clustered precinct. Hinihiling ni BBM ang manual recount sa 36,465 clustered precincts na binuo ng 132,446 established precincts. Kung clustered precinct ang pagbabasehan, dapat 18.232 milyong piso lamang ang cash deposit ni BBM. Pero dahil ibinase sa established precincts, umabot ito ng 66.223 milyong piso o halos apat na beses lumubo ang cash deposit.
Ito ang buod ng dissenting opinion (opinyon kontra sa mayoriya) ni Justice Presbitero Velasco, Jr. sa Resolution ng PET. Ayon sa kanya, hindi makatarungan na ibabase ang cash deposit sa established precincts kasi isang ballot box at isang set ng election documents/paraphernalia lang naman ang nasa bawat clustered precinct. Hindi na ito pahirap sa mga tauhan ng PET.
Sa ibang mga election tribunal, ang cash deposit ay ibinabase sa clustered precinct at hindi sa established precinct.
Dahil sa dalawang isyu na ito, nagmumukhang pinapahirapan si BBM.
READ ALSO: