Philippines hosts Miss Universe 1974
Noong kapanahunan ng Martial Law, ginanap sa Pilipinas, sa unang pagkakataon, ang 23rd Miss Universe pageant noong July 21, 1974. Ang Pilipinas ay ang ika-apat na bansa kung saan ginanap ang Miss Universe at pinakauna sa Asia.
Mula 1952 hanggang 1971, ginaganap ang Miss Universe sa United States of America (USA). Tapos sa unang pagkakataon, ginanap ito sa labas ng USA at ito ay sa bansang Puerto Rico noong 1972. Sa sumunod na taon, ginanap ito sa bansang Greece kung saan nanalo si Margarita “Margie” Moran bilang Miss Universe 1973.
At noong 1974, ginanap ang Miss Universe sa bagong Folk Arts Theater sa Manila.
Dinaluhan ang Miss Universe 1974 ng 65 na kandidata na mula sa iba’t ibang panig ng mundo at ang nanalo ay ang taga-Spain na si Amparo Muñoz.
WATCH FULL SHOW: