Raissa Robles, a certified A.M.P.A.W. member
Si Raissa Espinosa-Robles ay kilalang manunulat sa mga pahayagan o medya tulad ng South China Morning Post (HK), Radio Netherlands, ABS-CBN News, Asiaweek, Asia Inc. magazine, Riyadh Daily newspaper, The Times of London, BBC Radio, Business Day, The Manila Chronicle, Business Star, Philippine Star newspapers, The Philippine Center for Investigative Journalism, Newsbreak, Vera Files, and The Philippine Daily Inquirer.
Nakapagsulat din siya ng libro tulad ng “To Fight Without End: The Story of a Misunderstood President”, “Trianggulo”, at “Marcos Martial Law Never Again“.
Nagtapos si Raissa bilang magna cum laude sa kursong English literature, major in Imaginative Writing, sa University of the Philippines. Naging estudyante din siya ni Fr. Joseph Galdon ng Ateneo de Manila University. Pero lingid sa kaalam ng marami, si Raissa Robles ay isang “certified member” ng A.M.P.A.W. (Anti-Marcos Personalities and Writers).
Sa pananaliksik ng Bagong Lipunan, napatunayan na kasapi nga ng AMPAW si Raissa Robles. Ito ang mga proweba:
1) Gusto niyang iparating sa kanyang mga naisulat na biktima si Joma Sison, founder of Communist Party of the Philippines (CPP), ng Martial Law ni dating Pangulong Marcos.
2) Mga posts ni Raissa sa social media ay anti-Marcos ang tema gaya nito,
3) Si Raissa ang nagsulat ng librong anti-Marcos na “Marcos Martial Law Never Again“.
4) Kaibigan niya ang ibang A.M.P.A.W members na nag sponsor sa kanyang libro tulad ni Etta Rosales at Risa Hontiveros.
Opinion of Bagong Lipunan:
Tanong: Ano kaya ang rason ni Raissa Robles kaya mananatili siyang AMPAW?
Sagot: Ayaw niyang masira ang mga naisulat niya na anti-Marcos. At saka naipalabas na ang bagong libro niya na “Marcos Martial Law Never Again”.