Recount in Cebu City shows Dagdag-Bawas, Bongbong Marcos was cheated
Sa Facebook post ni Atty. Glenn Chong, pinakita niya ang isang report tungkol sa naganap na recount sa Cebu City kung saan nawalan ang boto si dating Senador Bongbong Marcos (BBM).
Ito ang sinabi ni Chong:
Ang Random Statistics Report na ito ay mula sa Cebu City. Binuksan ang mga balotang ito sa kasong Rama versus Osmeña na nakabinbin ngayon sa Comelec. May 837 presinto sa buong siyudad pero 40 presinto lang ang nakalista sa unang pahina ng nasabing report. Bagaman ay posisyon ng mayor ang saklaw ng protesta, sinilip ng mga revisors ang mga boto sa vice-president.
Sa 40 presinto na ito, 16 o 40% ang mali-mali ang pagbilang sa vice-president. Binawasan si BBM ng net 53 votes habang binawasan naman si Robredo ng net 13 votes sa 16 presinto na ito. Ang net difference ng dalawang kandidato ay 40 votes (53-13) pabor kay Robredo. Kung merong 837 presinto sa Cebu City at 40% nito ay mali ang bilang, aabot ito sa 335 presinto. Aabot sa net 838 votes ang maaring kinaltas kay BBM sa Cebu City pa lamang. Hindi pa natin pinag-uusapan ang natitirang 91,672 presinto sa buong bansa.
HIGHLIGHT: Sa Line 29, Brgy. Guadalupe, Clustered Precinct 551, ang boto ni BBM ay binawasan ng 2 votes (94 votes ayon sa makina pero 96 votes ayon sa mano-manong bilang) habang ang boto naman ni Robredo ay dinagdagan ng 15 votes (216 votes ayon sa makina pero 201 votes lamang ayon sa mano-manong bilang).
Originally, naka-schedule ang pagbukas ng mga balotang ito 1 linggo (June 2017) bago ang deadline ng pagsumite ni BBM ng listahan ng 3 pilot provinces sa kanyang protesta. Napag-isipan siguro ng Comelec na baka masilip ang posisyon ng vice-president kapag buksan na nila ang mga balota bago ang deadline ni BBM. Kaya inilipat ang pagbukas ng mga balotang ito 1 linggo matapos ang deadline ng pagsumite ng 3 pilot provinces.
Ibig sabihin, minaniubra ng Comelec na hindi malaman ng kampo ni BBM ang mali-maling bilang ng mga boto sa Cebu City upang hindi ito maisama sa pilot provinces kasi kung maisama ito, tiyak makikita kaagad ang maling bilang at magkakaroon ng sufficient recoveries ng boto si BBM at matitiyak ang pagpapatuloy ng protesta. Ayaw kasi ng Comelec na mabuksan ang mga balota dahil mabubuking ang kanilang ginawang dayaan.
Ito ay isang malinaw na patunay ng sabwatan ng Comelec at dilawan dahil pumabor kay Robredo ang maniubrang ito ng Comelec.