Robredo’s camp delays opening of ballot boxes, lawyer says
Pagkatapos ng Preliminary Conference noong July 11, 2017, mukhang hindi pa rin mabubuksan ang mga ballot boxes dahil sa delaying tactics ng kampo ni Leni Robredo. Ito ang nakikita ni Atty. Glenn Chong sa mga galaw ng mga abugado ni Robredo.
Ayon sa post ni Chong:
UPDATE SA PROTEST NI BBM (Bongbong Marcos)
1. Ipinapalabas ng kampo ni Robredo na napagkasunduan diumano sa Preliminary Conference na unahin munang resolbahin ang First Cause of Action o ang isyu ng integridad ng Automated Election System bago maglahad ng ebidensiya sa Second Cause of Action at bago buksan ang mga ballot boxes sa Third Cause of Action.
Ang Second Cause of Action ay tungkol sa isyu ng pagsasawalangbisa sa resulta ng halalan sa Lanao del Sur, Maguindanao at Basilan dahil sa talamak na dayaan habang ang Third Cause of Action naman ay tungkol sa manual recount sa mga presinto sa Iloilo, Negros Oriental at Camarines Sur.
Mariing pinabulaanan ito ng kampo ni BBM. Katunayan inimungkahi niya sa PET na magtalaga ng 3 panel ng hearing commissioners, isa sa bawat tatlong causes of action, upang sabay-sabay na mailahad ang mga ebidensiya sa bawat cause of action, kasabay ng manual recount. Sa ganitong paraan, mapabilis ang pagresolba sa protesta.
Taktika talaga ng kampo ni Robredo na iwasan, at all cost, ang pagbukas ng mga ballot boxes, pagsuri at pagbilang muli sa mga balota dahil alam nilang matatalo talaga sila. Kung papayag si BBM sa gusto nilang mangyari, mapapako ang protesta sa First Cause of Action pa lamang. Lahat ng dilatory tactics o lahat ng uri at anyo ng pagharang ay gagamitin ni Robredo upang hindi mabilang muli ang mga balota. Kaya kahit garapalang kasinungalingan, pilit nilang ilalako sa PET at sa publiko.
2. Hindi humarang si BBM sa hiling ni Robredo na ipagpaliban muna ang pagbayad niya ng pangalawang installment ng kanyang cash deposit na P7.439 million. Ito ay patunay lamang na hindi pa nga inaprubahan ng PET ang hiling ni Robredo na extension of time upang magbayad ng cash deposit. Ito ay taliwas sa ipinalabas ng kampo ni Robredo na pinagbigyan na ang kanyang hiling sa araw mismo ng Preliminary Conference.
Mga sinungaling talaga!
3. Iginiit muli ni BBM sa PET na kolektahin, kunin at dalhin na rito sa Manila ang mga ballot boxes mula sa Lanao del Sur, Maguindanao at Basilan upang masimulan na itong suriin at maresolba ang isyu ng pagsasawalangbisa sa resulta ng halalan sa mga lugar na ito.