SC allowing Marcos’ burial at the LNMB signifies justice for Marcos and Filipinos

Para sa mga loyalista si dating pangulong Ferdinand E. Marcos ay biktima ng black propaganda ng mga kumakalaban at nagpaalis sa kanya sa Malacañang Palace noong 1986.  Siniraan si Marcos sa TV, radio, newspaper, history books, PCGG (Presidential Commission on Good Government) ni Cory Aquino, at mga oligarkiya.

Naging biased ang media at history books dahil puro paninira at bintang kay Marcos ang isinusulat gaya ng magnanakaw daw at mamatay tao daw si Marcos.  Itinago nila ang mga magagandang proyekto at batas ni Marcos at hindi kailanman naisulat sa history books.  Kaya binansagan ang mga ito na YELLOW MEDIA at YELLOW HISTORY BOOKS.

Ang mga kalaban naman ni Marcos sa pulitika, pinalitan ng pangalan ang mga proyekto para mabura sa alaala ng mga Pilipino si Marcos.  At ang matindi pa ay hindi nila itinuloy ang ibang proyekto ni Marcos at ibinenta nila ang mga lupa at kumpanyang pagmamay-ari ng gobyerno.

supreme-allowing-marcos-burial-signifies-justice-for-marcos

Pero hindi inakala ng YELLOW media at history books na magkakaroon ng internet at social media kung saan ang mga tinatago nilang magandang nagawa ni Marcos ay maipakita na ng mga netizens sa taong bayan.  Dahil din sa social media, nalaman ng taong bayan ang mga kasinungalingan ng YELLOW media at PCGG ni Cory.  Mas naging makapangyarihan ang Social Media at ang patunay nito ay ang malaking boto na nakuha ni dating senador Bongbong Marcos (BBM) noong 2016 halalan.

Ngayong araw, November 8, 2016, ay malalaman ng taong bayan kung ano ang desisyon ng Korte Suprema tungkol sa petition ng mga anti-Marcos na tutulan ang paglibing kay Marcos sa Libingan Ng Mga Bayani (LNMB).

UPDATE (Nov 8, 1PM): Korte Suprema ay pabor sa paglibing kay Marcos sa Libingan Ng Mga Bayani (LNMB) sa botong 9-5.

Malaki ang tiwala ng mga loyalista na ibabasura ang petition at payagan na mailibing na si Marcos sa LNMB.  Ang pabor kay Marcos na desisyon ng Korte Suprema ay mangangahulugang nakamtan na ang hustisya para kay Marcos at sa mga Pilipino na naging biktima ng black proganda ng YELLOW media at history books.

judge-lawyers-support-marcos-burial-at-the-libingan-ng-mga-bayani-2

Top 7 credible judge and lawyers who are supporting Marcos’ burial at LNMB

 

 

 

 

 

 

 

ferdinand-marcso-finally-laid-to-rest-libingan-ng-mga-bayani

Ferdinand E. Marcos finally laid to rest at Libingan Ng Mga Bayani

Please like & share: