SD cards of unused Vote Counting Machines (VCM) contain data

Matandaang naghain ng protesta si dating Senador Bongbong Marcos (BBM) noong June 29, 2016 at ito na ang UPDATE tungkol sa Electoral Protest ni BBM.

Natuklasan ng Commission on Elections (COMELEC) kahapon na may data ang mga sinasabing hindi daw nagamit na mga Vote Counting Machines (VCMs) noong 2016 election.  Sinubukang i-decrypt ng COMELEC ang 26 SD cards dahil may nakita silang 127 SD cards na may laman sa 1,356 backup VCMs noong October 2016.  At natuklasan ng COMELEC na 13 sa 26 na SD cards ay may laman.  Pero hindi pa sinabi kung ano ang natuklasang laman sa  SD cards.

Ang pag-decrypt ng SD cards ay pinangunahan ni COMELEC‘s Election Records and Statistics Department (ERSD) Director Ester L. Villaflor-Roxas, at nandoon din ang mga witness ng iba’t ibang partido at watchdog group na Automated Election System Watch.

day-201-electoral-protest-marcos-versus-robredo

Ang pagkakatulas ng nasabing SD cards ay magpapatibay na may dayaan nangyari noong May 9, 2016 election.  Ito ay sinabi ng abugado ni BBM na si Atty. Vic Rodriguez.  Ani pa niya, “This is all planned. This is all part of Plan B. (Ito ay planado. Ito ay bahagi ng Plan B.)

Ayun pa kay Atty. Glenn Chong:

“Sa pagbaklas ng mga ito, napag-alaman na ang 127 SD cards sa 127 ekstrang VCMs ay may laman na. Kung hindi nagamit ang mga makinang ito at namalagi lamang sa bodega sa Laguna, bakit ang kanilang kaakibat na SD cards ay may laman na ngayon? Ito ay maihahalintulad sa isang birhen sa kumbento na nagdadalantao ngayon.”

(Ang decryption ay isang proceso kung saan ang text o data na naka-encode o naka-encrypt ay ibabalik sa dating anyo upang ito ay mabasa mo o mabasa at maintindihan ng iyong computer.)
READERS OF THIS ARTICLE ALSO WATCH THIS:
wp-video-cover-fight-for-the-truth

Please like & share:

Help us share the truth.