Signature campaign for Marcos’ burial hits more than 1 million
UPDATE FROM: Ferdinand Edralin Marcos Presidential Center
Mahigit sa isang milyong lagda ng ating kababayan pabor mailibing na si Pangulong Ferdinand Edralin Marcos sa Libingan ng mga Bayani ang nakalap sa ground at online signature campaign para dito.
Ayon kay Atty. Hyacinth Antonio, abogado ng pamilya Marcos, ilalakip ang mga nalikom na pirma ay magsusuporta at magpapalakas sa manifestation ng pamilya Marcos na kanilang isinumite sa Supreme Court ngayong araw (Miyerkoles).
“Nais nating iparating at ipakita sa Supreme Court na naayon sa batas at maraming kababayan natin ang pabor mailibing sa Libingan ng mga Bayani si Pangulong Marcos,” pahayag Atty. Antonio.
Binigyan-diin Atty. Antonio na nakatuon sa kanilang manifestation na dapat maihimlay si Marcos sa LNMB bunsod ng pagiging dating Pangulo at isang sundalo ang huli.
Dagdag pa rito, aniya, ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan sinabing dapat nang ilibing si Marcos sa LNMB.
Nabatid na ipinagpaliban ng Supreme Court ang Sept 27 deadline na pagsusumite ng manifestation ng pamilya Marcos upang mabigyan daan ang paghahanda ng mga dokumento gaya ng nasabing nalikom na lagda.
“Goodluck!” pahayag naman ni Mr. Vince Avena, pangulo ng United Marcos Loyalists of the Philippines, nang pormal ibigay kay Atty. Antonio ang mga nakalap na lagda sa signature campaign para maigiit ang adhikaing maihimlay na sa LNMB si Marcos.
“Let peace reign,” diin Avena.
Kasama sa nangalap ng lagda ang UMLP, Kilusang Kaisipan at Diwang Pilipino at BBM Youth Movement habang ginawa ang online signature campaign sa The Wallstreet, Change.org, Move On.org at Social Media Scraps.
“It is about time that our country, the Philippines should move on-but this cannot happen as long as we let the past dictate our life as a country today. Though we do not ask that the past be forgotten, we should however, as the only self-proclaimed Christian nation of Asia, forgive. Whatever former Pres. Ferdinand Marcos has done in the past, the Almighty God has already judged him; that being the case, who are we to withhold from him the kind of burial he deserves?” wika pa Avena.
“As the Supreme Court of the land, we ask that the judges not be swayed by their personal opinions of people who think they have been unjustly treated – but as impartial judges, decide based on the law of the land,” dagdag Avena.
“Sana isantabi ng mga Mahistrado ang pulitika at ibabase ang kanilang desisyon ayon sa batas,” pahayag naman Roberto dela Cerna, pangulo ng KKDP at binigyan-diin na karapatan ni Pangulong Marcos na mailibing sa LNMB.
“Nagpapapirma po kami, hindi lamang bilang suporta sa pamilya Marcos kundi ang kagustuhan naming mailibing na si Pangulong Marcos,” pahayag Mr. Harrold Toledana ng BBM Youth.
“Pirma ito para sa pambansang paghihilom, kapayapaan at pagkakaisa,” pahayag Ms. Abigail Lacuna – Guardiano, miyembro ng Miriam-Bongbong Philippines.
Tiwala ang pamilya Marcos at Loyalista na maging pabor ang desisyon ng Supreme Court.
“Nanalangin tayo na sana bendisyonan ng Diyos ang mga Mahistrado ng Supreme Court upang maliwanagan ang isipuso nila at ipagkaloob ang nararapat na desisyon pabor kay Apo Marcos,” pahayag Gng. Erlinda Camfa, loyalista mula Batasan Hills, Quezon City.