Libingan Ng Mga Bayani – 142 Hectares Allocation
Alam nyo ba na noong May 28, 1967 ay pinirmahan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Presidential Proclamation No. 208 upang mareserba ang 142 hectares na lupa na bahagi ng Fort Bonifacio Military Reservation para sa Libingan ng mga Bayani (LNMB). Ang nasabing lupa ang gagamitin bilang National Shrine para sa mga pangulo ng bansa, bayani, at taong makabayan. Ito ay pinangangasiwaan ng Military Shrines Services ng Philippine Veterans Affairs, Department of National Defense.