Bagong Lipunan criticizes ABS-CBN’s historical revision about MERALCO
Binatikos ng Bagong Lipunan ang ABS-CBN News dahil sa pagbago ng kasaysayan ng MERALCO. Ayon sa kanilang balita,
“Marcos declares Martial Law and Meralco is placed under government custody.”
Ibig sabihin na noong nagdeklara ng Martial Law si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ay kinuha ng gobyerno ang MERALCO. Ito ay isang kasinungalingan at pagbabago sa kasaysayan ng ABS-CBN.
FACT CHECK:
Nilagdaan ni pangulong Marcos, noong November 7, 1972 (47 days after Martial Law declaration), ang Presidential Decree No. 40 (ESTABLISHING BASIC POLICIES FOR THE ELECTRIC POWER INDUSTRY) kung saan inutusan niya ang National Power Corporation (NPC) na magtayo ng mga transmission line grids at facilities sa buong bansa at payagan ang mga cooperatives, private utilities at local government na makaroon ng kanilang sariling grids at makapag-operate.
Ayan napakaliwanag ng PD 40. Hindi kinuha ng gobyerno ang MERALCO kasi pinapayagan nga ang mga private power companies na makapag-operate.
Isa pa, ayon kay dating Minister of Defense noong Martial Law na si Juan Ponce Enrile, may documents sya na nagpapatunay na ibinenta ng Lopez family (may-ari din ng ABS-CBN) ang MERALCO sa gobyerno.