Bagong Lipunan suggests Philippine Holidays 2016

Ito ang inimungkahing “Philippine Holidays 2016” ng Bagong Lipunan.  Importante ang mga araw na February 14, February 25, September 21, at September 28.

(This is the suggested “Philippine Holidays 2016” of New Society.  These are the important days: February 14, February 25, September 21, and September 28.)

Ang February 14 ay araw ng pag-ibig sa asawa, anak, pamilya, kaibigan, karelasyon, at higit sa lahat pag-ibig sa bayan.  Kaya ang “I Love Philippines” Day ay gugunitain din natin tuwing February 14 upang paalalahanan ang mga Pilipino na ang pagmamahal sa bayan ang tanging susi sa kaunlaran ng Pilipinas.

(February 14 is the day of love of spouse, children, family, friends, gf/bf, and most of all, love of the country.  That’s why “I Love Philippines” Day should be commemorated every February 14 of the year to remind the Filipinos that the love of the country is the only key to Philippine progress.)

Ang February 25 ay ang “Araw ng Panghihinayang” dahil ito ang araw na nagsimulang bumagsak ang bansa at pagpapahirap sa mga Pilipino.  Ilan sa mga nangyari ay ang pagkaroon ng mataas na buwis gaya ng 12% VAT (Value Added Tax) at pagdami ng pangyayaring krimen sa bansa gaya ng Mendiola Massacre, Hacienda Luisita Massacre, Maguindanao Massacre, Atimonan Massacre, Mamasapano Massacre, at marami pang iba. Dumami din ang kurap na mga pulitiko dahil ibinalik ang “Pork Barrel” sa Congress.  Ang karamihan sa mga kompanyang pag-aari ng gobyerno ay nabenta na rin.  Wala na ring magagandang imprastrakturang makikita at masasabing pinakauna sa Southeast Asia, maliban na lang sa Wind and Solar Power Plant sa Ilocos Norte, na balwarte ng mga Marcos.

(February 25 is the “Day of Regret” because it is the day that started the downfall of the country and the impoverish of the Filipinos.  Some of the things that happened are the implementation of 12% VAT (Value Added Tax) and increase in crime rate in the country such as the Mendiola Massacre, Hacienda Luisita Massacre, Maguindanao Massacre, Atimonan Massacre, Mamasapano Massacre, and many more.  Also, there’s an increase in the number of corrupt politicians because of the restoration of the Pork Barrel in Congress.  Most of the government owned companies were sold. Then, there’s no more great infrastructure that can be seen and considered as first in Southeast Asia except the Wind and Solar Power Plant in Ilocos Norte, home of the Marcoses.)

Bagong Lipunan's Philippine Holidays 2016

Bagong Lipunan’s Philippine Holidays 2016

Ang September 21 ay ang “Araw ng Kaligtasan” dahil nasugpo ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos ang pagdami ng mga komunista na suportado ng China na gustong magkaroon ng giyera sa bansa gaya ng nangyari sa South Vietnam upang maging komunista na rin ang bansang Pilipinas.

Justice-For-Marcos-03

Video: Ang Niligtas ng Martial Law

(September 21 is the “Day of Salvation” because former president Ferdinand E. Marcos was able to stop the surge of communist people, supported by China, that aims to start a war just like what happened in South Vietnam so that Philippines will be a communist country.)

Ang September 28 ay ang araw ng pagkamatay ng dating pangulong Ferdinand E. Marcos at dapat gugunitain bilang “Marcos Day” dahil si dating pangulong Ferdinand E. Marcos ang naglitas sa bansang Pilipinas laban sa mga komunista na suportado ng China noong 1972.  At dahil dyan, maituturing na bayani ng bansa si dating pangulong Marcos.  Maliban sa pagiging bayani, si dating pangulong Marcos din ang nagpatayo ng maraming unibersidad sa buong bansa.  Siya rin ang nagpagawa ng mga imprastraktura na tinaguriang pinakauna sa Southeat Asia.  Gumawa rin si dating pangulong Marcos ng maraming magandang batas na ang layunin ay madisiplina at mapaunlad ang buhay ng bawat Pilipino.

Justice-For-Marcos-07

Video: Pitong Alas ni Marcos

(September 28 is the day former president Ferdinand E. Marcos died and should be commemorated as “Marcos Day” because former president Ferdinand E. Marcos saved the Philippines from the communists who are supported by China in 1972.  And because of that, Marcos is considered as one of the Philippine heroes.  Aside from being a hero, former president Marcos established so many state universities across the country.  He also built infrastructure considered to be first in Southeast Asia.  Also, he created so many laws that aims to discipline and improve the lives of every Filipino.)

Please like & share:

Help us share the truth.