Bongbong Marcos suggests how to celebrate his father’s birthday today
Ngayong araw na ito ay ang 99th Birthday ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Siya ay ipinanganak sa Sarrat, Ilocos Norte taon 1917. Ang kanyang mga magulang ay sina Mariano Marcos at Josefa Edralin.
Sa araw din na ito, nagbigay si dating Senador Bongbong Marcos (BBM) ng mensahe para sa lahat ng Pilipino kung paano gunitain ang kaarawan ng kanyang ama. Sabi ni BBM na dapat alalahanin ng sambayanang Pilipino ang magandang pangarap ng kanyang ama para sa minamahal niyang Pilipinas. Ani pa ni BBM, ipagpatuloy dapat ng mga Pilipino ang pagkakaisa para maabot ang mithiin ng bansang Pilipinas na maging dakila. At sa unang pagkakataon ay nag-iwan ng #ForeverMARCOS hashtag si BBM sa kanyang mensahe.
Ito ang buong mensahe ni BBM sa kanyang Facebook page:
“To celebrate my father’s birthday (September 11) is to remember the dreams and aspirations he had for his beloved Philippines. Let us continue to work together to bring that vision of progress, dynamism and greatness to our country and our people! Never ever give up. Never lose hope #ForeverMARCOS”
RELATED ARTICLE: