September, a Marcos Month
Ang buwan ng September ay masasabi nating buwan ng Marcos dahil sa maraming mahahalang pangyayari sa buwan na ito. Heto ang mga araw na mahahalaga at dapat tandaan:
September 11. Ito ang araw, noong 1917, na ipinanganak si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa Sarrat, Ilocos Norte.
September 13. Ito ang araw, noong 1957, na ipinanganak sa Manila si dating Senador Bongbong Marcos, ang natatanging lalaking anak ni dating Pangulong Marcos.
September 18. Ito sana ang araw, taong 2016, nailibing si dating Pangulong Marcos sa Libingan Ng Mga Bayani (LNMB) sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ngunit pinigilan ito ng Supreme Court dahil sa pagdinig ng petition ng mga tutol sa paglibing kay Marcos. Matandaan na ang Chief Justice ng Supreme Court ay itinalaga ni dating Pangulong Noynoy Aquino noong 2012.
September 21. Ito ang araw, noong 1972, idineklara ni dating Pangulong Marcos ang Martial Law, na naging paraan upang mailigtas ang Pilipinas laban sa pananakop ng mga komunista. Kaya ang araw na ito ang ginugunita bilang “Araw ng Kaligtasan”. Dahil din sa Martial Law, naitatag ang “Bagong Lipunan”.
September 28. Ito ang araw, noong 1989, na namatay, sa edad na 72, si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa Hawaii, USA.