Netizens bash TV5’s History with Lourd as biased program.
Maraming netizens ang nag-react sa Facebook statement ng host ng “History with Lourd” sa TV5 na si Lourd de Veyra tungkol sa mga guests niya na puro anti-Marcos upang magsalita tungkol sa Martial Law ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos.
Naging top comment ang pahayag ng isang Netizens na si Benjamin Reora Requiero. Ani niya, “For a change Lourd and TV 5 crew, simula ng maliit pa ako puro negatibong balita na ang inuulat tungkol sa Martial Law. Bakit hindi niyo subukang ilahad ang magagandang nangyari noong Martial Law? Hindi ba media kayo at dapat hindi biased? May pros and cons naman siguro noong panahon ng ML. Subukan natin ang side B, tutal History naman ang programa niyo.”
Ang sumunod na top comment ay ang pahayag ni Fel Fresco at ang sabi nya ay “Dapat nag aya din kayo ng Historian na pumanig kay Marcos.“.
Isa pa sa napuna ng mga netizens ay ang ang pagsabi ni Lourd Veyra nito:
“Dahil sa Lunes ay ang 43rd anniversary ng deklarasyon ng Martial Law, meron akong ilang katanungan. Isa ka ba sa mga naniniwalang:
* Nakabuti sa Pilipinas ang Martial Law?
* Mas maganda ang buhay noong Martial Law?
* Mas maganda ang peace and order situation noong Martial Law?
* Si Marcos ang pinaka-dakilang presidente ng Pilipinas?
* Mali-mali ang grammar at spelling?
Kung ang sagot mo sa lahat ng ito ay “oo,” ikaw ay MANGMANG na marahil ay napulot lang ang opinyon mula sa mga revisionistang video at mga iliteradong panulat sa napakatalinong mundo ng Facebook.”
Ayon sa isang netizen na si Roy P. Domingo,
“Isa ka ba sa mga naniniwalang:
* Ang historians ay laging tama?
* Ang Philippine history textbooks na naisulat pagkatapos ng 1986 EDSA revolution ay tama at makatarungan?
* Walang magandang nagawa si Marcos?
* Totoo lahat ang binabalita ng ABS-CBN, GMA-7, TV-5, Inquirer, Rappler?
Kung ang sagot mo sa lahat ay “oo”, ikaw ay ang TOTOONG MANGMANG na marahil ay bulag ka sa mga nakikita mo at ayaw mo tingnan ang kabilang panig ng history o ayaw mo lang gamitin utak mo. Malamang di mo alam ang sinabi ni Walter Benjamin, “History is written by victors. (Ang kasaysayan ay isinulat ng mga nanalo)”. ”
Ang ibig sabihin ng netizens ay dapat tingnan din ang magagandang nagawa ng Martial Law para patas ang history.
Panoorin ang bidyo na ito para malaman mo ang dahilan ng pagdeklara ng Martial Law.
At panoorin din kung ano ang mga magandang proyekto ang nagawa ni Marcos noong Martial Law.
Suggestion: Justice For Marcos